Loteng ibinigay sa ilang pamilya sa Naga , ipinagbibili ng ilan- City Official

NAGA CITY –Babawiin ng LGU-Naga ang libreng lote na ibinigay sa ilang pamilyang benipisyaryo ng housing development program matapos na matuklasang ipinagbibili pala ng mga ito ang lupa, na mahigpit namang ipinagbabawal batay sa napagkasunduan at pinirmahan nilang mga dokumento sa lokal na pamahalaan.

Sila ang mga pamilyang naapektuhan sa isinasagawang road widening projects sa lungsod na inilikas sa upper barangay at napiling mabigyan ng libreng lote para tayuan sana ng bago nilang tahanan.

Sinabi ni City Councilor Jess Albeus, Committee Chairman ng Housing and Settlement sa konseho, sa panayam sa kanya ng Brigada News FM Naga na nakakadismaya ang ganitong asal ng mga benipisyaryo nila na ayon sa kanya ay matatawag niya sanang masusuwerte dahil sa napili ang mga itong magkaroon ng lupa sa kabila ng maraming mga aplikante.

Reklamo naman ng mga benipisyaryo, nahihirapan sila dahil sa malayo ang lugar sa paaralan, sa mga tindahan at halos gubat pa umano ito, dahil sa nakatiwangwang lamang ang naturang mga lote.   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *