LTO, pinuri ang DILG memo na pagkumpiska sa lisensya ng mga pasaway na mga motorista

Pinuri ng Land Transportation Office (LTO) ang Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa muling pag-gigiit na tanging ang LTO at ang kanilang deputized agents ang pinapayagan na magkumpiska sa driver’s license ng mga pasaway nga mga motorista.

Kaugnay nito, welcome sa LTO ang naturang memo na nagsasabing maaring makapagpalabas ang mga local government units (LGUs) ng traffic citation tickets sa mga drivers na lumabag sa trapiko, pero ang LTO lang at ang kanilang deputized agents ang maaring magkumpiska ng lisensya.

Naniniwala kasi ang ahensya na naaayon ito sa naunang pasya ng Korte Suprema at sa mga probisyong nakasaad sa ilalim ng Republic Act 10930 na ang pagkumpiska ng driver’s license ay maaari lamang gawin ng LTO.

Ayon sa LTO, layunin ng ng naturang memorandum na ma-highlight na ang kanilang opisina lang ang primary law enforcement agency na may mandato na tiyakin na ang mga batas trapiko ay naipapatupad at nasusunod para sa seguridad ng publiko.

Maliban dito, nagbubukas din umano ito ng oportunidad sa LTO upang higit na magkaroon ng pagtutulungan ang ahensya at LGUs na palakasin pa ang kampanya hinggil sa kaligtasan at disiplina sa mga lansangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *