Mag-ama na umano’y poste ng NPA, arestado; baril, bala at Granada nasamsam

SORSOGON CITY – Arestado ang mag-ama na umano’y poste ng rebeldeng grupong NPA sa bayan ng Esperanza, Masbate matapos na ihain sa mga ito ng mga operatiba ang mandamyento de rekisa sa paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms and ammunition.

Kinilala ang mag-ama na sina Prudencio Rosales Borado Sr., 65-anyos, may asawa, magsasaka at Prudencio Saraga Borado Jr., 26-anyos, binata, casual employee ng LGU Esperanza at parehong naninirahan sa Sitio Harapay, Brgy Villa ng nasabing bayan.

Sa ulat na nakuha ng Brigada News FM-Sorsogon, unang hinainan ng search warrant si Ginoong Borado at nagresulta ito sa pagkasamsam ng isang kalibre 45 na pistola na kargado ng 5 bala at isang gun holster.

Matapos naman hainan ng magkahiwalay na search warrant ang batang Bordado ay narekober dito ang isang kalibre 45 na pistola na kargado ng 5 bala at isang hand grenade.

Ayon pa sa report, ang mag-ama umano ay masugid na miyembro ng Militia ng Bayan (MB) sa ilalim ng pamumuno ni Rogelio Suson alias Manong.

Mahaharap sa kaukulang kaso ang mag-ama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *