Mag-nobyo, kinasuhan dahil sa maingay na sex; pinagmulta ng $1,200

Nagpled guilty sa korte ang kinky couple matapos na maaresto ng mga pulis dahil sa kanilang malakas na ingay habang nakikipagtalik sa isang hotel sa Staffordshire, England.

Ayon sa local media reports, ang couple na sina Jamie Boultbee at Kaylie Hursthouse ay isinumbong sa kapulisan ng kanilang kapwa guests sa Moorlands Izaak Walton Hotel dahil sa umano’y “loud rough” sex.

Dahil umano sa kanilang ingay ay napilitan ang tatlong guests na lumipat ng room.

Dito na tumawag ng pulis ang mga hotel staff makaraang hindi nakinig ang dalawa kahit ilang beses nang binigyan ng warning.

Dahil nag-pled guilty sa criminal damage, si Boultbee ay nahaharap sa 12-month conditional charge sentence habang si Hursthouse ay nasa six-month conditional discharge.

Pinagmulta rin ang mga ito ng 1,200 USD o mahigit 66,000 pesos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *