Magkakahiwalay na operasyon laban sa iligal droga ikinasa sa tatlong bayan ng Camarines Norte, tatlo katao natimbog ng kapulisan

CAMARINES NORTE- Napasakamay ng mga otoridad ang nasa tatlo katao sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng pinagsanib na puwersa ng mga kapulisan sa tatlong bayan sa Camarines Norte sa loob lamang ng isang araw

Sa ikinasang operasyon ng PNP sa Purok-6, Sitio Mantigbi, Barangay Calangcawan Sur, Vinzons, huli ang pintor na si alyas AMBET, 38 anyos, at residente ng Purok-6, Barangay San Francisco, Talisay, Nakumpiska rito ang nasa humigit kumulang 2 gramo ang timbang ng iligal na droga na may street value na nagkakahalaaga ng Php 2,5000.00.

Habang naaktuhan naman sa pagbebenta ng iligal na droga sa Purok-1B, Barangay Catioan, Capalonga ang isang 21-anyos na trucking helper na kinilalang si alyas KARDO, residente ng Barangay Bagong Silang Phase 2, Caloocan City. Tinatayang nasa 1 (1) gramo ng hinihinalang shabu ang nakuha sa operasyon na may katumbas na halagang umaabot sa Php 3,000.00.

Matagumpay ring nadakip ng mga kapulisan sa Purok 3, Barangay Tulay na Lupa, Labo, ang isang 56-anyos na lalaki na tulak ng iligal na droga na kinilalang si alyas RAM, tinatayang may timbang na Isang (1) gramo  ang mga nakuhang iligal na droga na nagkakahalaga ng Tatlong Libong Piso (Php 3,000.00).

Samantala, ang mga naarestong personahe ay kasalukuyang nasa kostudiya na ng mga umarestong kapulisan habang inihahanda na ang mga dokumentong kinakailangan para sa paglabag sa RA 9165 “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” laban sa mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *