Magkasintahan, pinilit di umanong mag-sex ng isang watchman sa Balayong Peoples’ Park

Ibinunyag ng isa sa magkasintahan ang mapait na karanasan sa Balayong Peoples’ Park sa Puerto Princesa nitong nakalipas na Linggo ngayong Abril.

Ayon kay alyas “Mark”, nitong nakaraang Lunes ng gabi nang pumunta sila nang kanyang kasintahan sa parke para mag-date ngunit doon pala sila nakaranas ng matinding trauma.

Habang nagdi-date umano sila ng kanyang girlfriend ay biglang dumating ang isang watchman na hindi nila nakilala sa pangalanan.

Iyon di umano ang nagdala sa kanila sa madilim na bahagi ng parke hanggang sila’y pilitin nito na mag-talik pero hindi nila iyon nagawa sa kabila ng matinding takot.

Paulit-ulit umano silang “tinakot” ng watchman na kung hindi nila iyong gagawin ay isusumbong sila sa Anti- Crime Task Force at sa mga magulang.

Inihayag pa nito na pina- blowjob ng watchman ang kanyang girlfriend pero wala siyang nagawa dahil sa takot sa suspek.

Samantala, wala pa umanong lakas ng loob ngayon ang mga biktima na maghain ng pormal na reklamo sa Police Station 2 dahil sa takot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *