Magkasintahang senior citizen, ikinasal sa grocery store

“AGE IS JUST A NUMBER, LOVE IS FOR EVERYONE”

Iyan ang pinatunayan ng magkasintahang senior citizens sa Arizona U.S.A, matapos ang mga itong magpasya na mag-isang dibdib sakabila ng kanilang mga edad.

Ang twist, ginanap ang venue ng kanilang kasal sa isang grocery store kung saan sila unang beses na nagkakilala.

Ayon report ng local media sa lugar, ikinasal sina Brenda Williams, 78-anyos at ang nobyo nitong si Dennis Delgado, 78-anyos sa mismong loob ng Fry’s Food and Drug Store sa Casa Grande, Arizona.

Kwento ng bagong mag-asawa, taong 2020 nang una silang magtagpo sa naturang grocery store at pareho sila noong naghahanap ng mayonnaise.

Ang simpleng pagtatagpo at “small talk” ay nauwi sa ligawan at pagiging magkasintahan noong 2021 at ngayong taon ay tuluyan nang pinagbigkis ng kasal.

Malugod namang pumayag ang pamunuan ng grocery store na saksi sa lovestory ng dalawang matanda.### JDR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *