Magnitude 7.1 na lindol, tumama sa Mati City

Naiulat ng PHIVOLCS na niyanig ng magnitude 7.1 na lindol ang Mati City, Davao Oriental kaninang umaga.

Naganap ang lindol kaninang alas-1:46 ng umaga.

Ayon sa PHIVOLCS, may lalim na 69 kilometers ang lindol habang tectonic naman ang origin nito.

Sinabi ng ahensya na naramdaman naman ang Intensity V sa General Santos City habang Intensitu IV ang naramdaman sa Koronadal City at Tampakan, South Cotabato.

Inaasahan na ng PHIVOLCS na nagdulot ng pinsala ang lindol sa mga imprastraktura.

Nagbabala rin ito na posible ang aftershocks.

Sa ngayon ay sinabi ng PHIVOLCS na wala itong nakikita na banta ng tsunami base sa mga available na datos ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *