Mahigit 100 mga pamilya mula sa iba’t ibang bahagi ng Bicol, kasalukuyang nasa evacuation centers mula pa noong linggo dahil sa malakas na pag-uulan

Kinumpirma ng Office of the Civil Defense (OCD) Bicol na aabot sa dalawang daan o isang daan at siyamnapung mga pamilya ang kasalukuyan at pansamantalang nananatili sa evacuation centers sa iba’t ibang bahagi ng Bicol region, partikular na ang Albay, Camarines Norte at Camarines Sur dahil sa halos walang tigil na pag-ulan mula pa noong Linggo.

Ang mga pamilyang nabanggit na nasa evacuation centers ay katumbas ng animnaraang katao ayon sa nabanggit na opisina.

Bukod pa rito, naitala rin ang isang daan at apatnapu’t isang insidente ng pagbaha mula sa dalawampu’t limang LGUs sa nabanggit na mga lalawigan kasama ang Naga City, habang nagkaroon din ng tatlong landslid incidents sa Legazpi City ng Albay at sa San Andres at Viga, Catanduanes.

Samantala, ayon naman sa PAGASA, ang nararanasang malakas na pag-ulan ay dulot ng shear line na nakakaapekto sa silangang bahagi ng Southern Luzon at ang northeast monsoon na umaapekto rin sa natitirang bahagi ng Luzon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *