Mahigit 100 piraso ng tinaguriang bampira sa ilalim ng dagat nakuha sa karagatang sakop ng Mercedes, Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Aabot sa 119 piraso ng tinaguriang bampira sa ilalim ng dagat o crown of thorns ang sinisid at nakuha sa ilalim ng dagat sa Canimog Santuary na matatagpuan sa Sitio Tumandok Barangay Mambungalon Mercedes, Camarines Norte noong nakaraang linggo.

Sinisid ito ng mga licensed diver’s mula sa tulong na rin ng Bantay Dagat Task Force.

Ang crown of thorns ay nagiging mapaminsala kapag sobra na ang dami dahil sinisira nito ang corals na pinanahanan ng mga isda.

Kapag ito ay kumapit sa coral sinisipsip nila ito hanggang sa tuluyan nang mamamatay maging ang iba pang mga nabubuhay na species sa ilalim ng dagat.

Ayon sa Municipal Agriculture Office ang narekober na higit sa isang daang piraso ng COTS ay maituturing na outbreak dahil over populated na ito.

Matatandaan na ilang buwan lang ang nakakalipas ay mayroon ding mga nakuha sa naturang bahagi ng karagatan.

Karamihan naman sa mga nakuha ngayon ay may sukat na 16cm ang pinakamaliit at 36cm naman ang pinakamalaki.

Pahirapan ang pag- extract ng mga COT’s at maingat dapat itong na inangat sa tubig.

Matatandaan na sa halos kaparehong panahon noong 2019 ay nasa halos 300 piras ng COTS ang na extract sa naturan ding bayan.

Sinasabing ang sobrang init ng panahon ang nagiging dahilan upang mag- release  ito ng libo- libong itlog.

Itinuturing naman na normal ang pagkakaroon ng mga COT’s nang hanggang sa 15 piraso sa bawat 50 metro kwadrado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *