Mahigit 150 na evacuees sa Calabanga , Camarines Sur nabigyan kaagad ng ayuda

NAGA CITY- Agad-agad na nabigyan ng ayuda ang 152 indibidwal  o 43 pamilya sa Calabanga , Camarines Sur na inilikas dahil sa banta ng landslide.

Ilang araw nang inuulan ang lalawigan dahil sa Shearline , Amihan at noong una ay LPA kaya delikado sa mga landslide prone areas katunayan may naitalang pagguho ng lupa sa bayan ng Presentacion.

Sa panayam ng Brigada news FM Naga kay Calabanga MDRRM Officer Danny Abalayan , ipunatupad ang pre-emptive evacuation lalo’t may mga bata , matatanda at buntis sa populasyon ng Sitio Buri Barangay Camuning.

Nanatiling nakamonitor ang MDRRM sa mga low lying areas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *