Sen. Raffy Tulfo, target na paimbestigahan ang fuel marking program ng gobyerno

Inilahad ni Senator Raffy Tulfo ang posibilidad na pag-imbestiga ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa oil smuggling sa bansa.

Sa consultative meeting kaugnay sa pagpapatupad ng Fuel Marking Program ng gobyerno, nadismaya ang mambabatas sa mga opisyal ng gobyerno na dumalo sa meeting, matapos na hindi makapagbigay ang mga ito ng impormasyon kaugnay sa naantalang pagpapatupad ng FMP sa bansa.

Kaugnay nito, naniniwala si Tulfo na ang smuggled fuel na nakumpiska ng Bureau of Customs ay ibenebenta sa mga merkado.

Mababatid na ibinunyag ni BOC special agent Anthony Escandor, na nakakumpiska sila ng 2.1 million liters ng langis, at idinonate na umano nila ito sa ilang ahensya ng gobyerno.

Inusisa parin ng senador kung ang naturang donasyon ay dumaan sa legal na paraan, bagay na hindi makapagbigay ng direktang sagot si Escandor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *