Mahigit 180K na mga indibidwal sa Catanduanes, bakunado na kontra COVID-19

BNFM BICOL— Umabot na sa kabuuang  184,178 na mga indibidwal sa islang lalawigan ng Catanduanes ang bakunado na kontra COVID-19 batay sa tala ng Provincial Health Office, as of November 23, 2021.

Mula sa nasabing bilang, 117,385 o 61% ng current target population ang nakatanggap na ng kanilang first dose ng bakuna habang 66,793 naman o 35% ng current target population ang fully vaccinated na kontra COVID-19, kabilang ang mga tumanggap ng one shot Janssen COVID-19 vaccine.

Bunsod nito, nasa 24% na ng kabuuang target population sa isla ang vaccinated na laban sa sakit.

Kaugnay nito, inihayag rin ng PHO na magpapatuloy ang isinasagawang vaccination roll out sa probinsya dahil na rin sa patuloy na pagbuhos at pagdating ng mga bakuna mula sa national government.

Nitong Miyerkules dumating sa islang lalawigan ang dagdag na 31,000 doses ng mga bakuna kung saan 16,380 doses nito ang Pfizer vaccines; 5,400 doses ng Sputnik V vaccine at 10,000 doses naman ng Sinovac.

Matatandaang umarangkada na rin ngayong linggo ang pediatric vaccination sa Catanduanes o ang pagbabakuna sa mga batang edad 12 hanggang 17-anyos.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *