Mahigit 3K kabataan nakiisa sa Summer Sports Clinic

Aabot sa mahigit tatlong libong mga kabataan ang nakiisa sa ikapitong Summer Sports Clinic ngayong taon.

Nitong nakalipas na Sabado ay sinimulan na ang pagbubukas ng summer activity sa lungsod ng Olongapo sa pangunguna ng City Sports Youth and Development Office.

Layon ng sports program na mahikayat ang mga kabataan sa mas malusgog at aktibong komunidad.

Nasa dalawamput limang sporting events ang maaaring pagpilian ng mga partisipante para pagsanayan hanggang sa matapos ang program.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Olongapo City Information Center

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *