Nakikinabang ngayon ang mga residente ng bayan ng Botolan sa benebentang murang bigas ng lokal na pamahalaan.
Ito ay dahil naumpisahan na noong nakalipas na July 13 ang pag-iikot ng munisipyo sa mga baranggay para may mabili ang mga residente na hindi na kailangan pumunta pa sa kabayanan.
Ayon sa lokal na pamahalaan umabot na sa mahigit tatlong libong mga benispisyaryo ang nakinabang na sa halagang isandaan sa bawat limang kilong de kalidad na bigas.
Samantala tuloy-tuloy ang gagawing pagbebenta ng bigas ng lokal na pamahalaan hanggang mayron pang natitirang stock ang munisipyo.//Russell Banawa-BNFM IBA
Photo Courtesy: OneBotolan Magkamiha