Mahigit 400 mga guro sa pampublikong paaralan sa Naga City magiging Electoral Board ngayong halalan 2022

NAGA CITY – Mahigit 400 mga guro mula sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Naga ang magsisilbing Electoral Board ngayong Halalan 2022.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Atty. Ednalyn Refeliza, Acting Officer ng Commission on Election Naga o COMELEC Naga.

Aniya, prayoridad kasi ang mga gurong nasa pampublikong paaralan, kukuha na lamang sila ng mga gurong mula sa pribado kapag kinulang ng tao o kaya naman hindi available. Nagsagawa na sila ng trainings at magtatapos na ngayong araw, kabilang kasi ito sa mga pinaghahandaan ng COMELEC para sa mapayapang Eleksyon lalo na sila ang mga mag-ooperate ng mga voter’s machine at aalalay sa mga botante.

Sa ngayon hindi pa makumpirma ni Atty. Refeliza kung ilang paaralan sa Naga ang gagamitin para sa botohan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *