Online peacetalks sa pagitan ng Russia at Ukraine muling aarangkada sa April 1

Sisimulan muli ang online peacetalks sa pagitan ng Russia at Ukraine sa April 1.

Sinabi ni Ukrainian negotiator David Arakhamia na sila ang nag-propose para magkausap ang leaders ng magkabilang bansa pero unang tumanggi ang Russia dahil umano sa dami ng dapat ihanda para sa draft treaty.

Tiniyak ni Arakhamia na maraming progress sa unang usapan kaya naman naitakda ang hinaharap na pulong sa pagitan nina President Volodymyr Zelensky at Vladimir Putin kung saan naipadala na sa Russia ang proposal.

Sa kabila ng “signs of optimism” sa peacetalks, sinabi ng Ukrainian officials na naghihintay pa rin sila sa sinasabing de-escalation ng giyera sa ground.

Unang nagkausap sina Arakhamia at aide ni Putin na si Vladimir Medinsky sa Istanbul, Turkey.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *