Mahigit 400 na pulis, idineploy sa Masbate

SORSOGON CITY – Nasa lalawigan na ng Masbate ang aabot sa 462 contingents na karagdagang puwersa para tumulong sa pagsi-secure ng Halalan 2022.

Bahagi umano ang higit 400 contingents ng puspusan at mahigpit na pagsusumikap ng pamunuan ng Police Regional Office 5 (PRO5) para magkaroon ng malinis, ligtas, at patas na eleksyon.

Ayon sa ulat, ang Regional Special Operations Task Group (RSOTG) ay grupo na may espesyal na training at may kakayahan sa law enforcement, preventing crimes at pagtugon sa mga emergency at pagbibigay ng suporta.

Tutulong din ang tropa sa iba’t-ibang police operations katulad ng Comelec checkpoint, pagpapatupad ng gun ban, police visibility at kampanya laban sa kriminalidad.

Ang RSOTG ay pamumunuan ng Deputy Regional Director for Operations na si PCol Rodolfo Castil Jr bilang commander.

Ang grupo ay inaasahang makikipagtulungan sa Phil Army, stakeholders at iba pang force multipliers para mas matugunan ang seguridad  sa gitna ng pagsimula ng kampanya sa lokal at nasyunal.

Isinagawa ang send-off ceremony sa tropa noong Miyerkules, Marso 23 kasabay ng panawagan ng buong pwersa ng pulisya sa komunidad na makiisa at sumuporta para manatiling ligtas at mapayapa ang rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *