Mahigit 500K katao, layong mabakunahan para makamit ang 70% proteksyon ng populasyon

SORSOGON CITY – Target ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon na mabakunahan ang 598,500 katao upang makamit ang 70% na proteksyon ng populasyon mula sa kabuuang 855,000 na residente nito.

Ayon kay Governor Francis Escudero, inaasahan nila ang pagdating ng higit pang mga bakuna sa lalawigan. Aniya pa, simula noong Oktubre, nakakapagturok ang vaccinators ng lalawigan ng 40,000 dosis bawat araw.

Nabatid na nasa 178,624 na residente na ang ganap na nabakunahan habang 336,971 ang naghihintay pa para sa kanilang pangalawang dose.

Dagdag pa ng gobernador, kung matuturukan ng kanilang second dose ang mahigit 300K na ito sa Enero 2022, ang Sorsogon ay maaabot ang kanilang kabuuang target na 86.15% vaccination rate.

Sa ngayon, ay nagpapatuloy ang pagbibigay ng booster shots sa mga medical front-liners, senior citizen at may mga comorbidities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *