Mahigit 500K na registered voters sa Sorsogon, inaasahang boboto ngayong NLE

SORSOGON CITY – Aabot sa 538, 082 ang inaasahan na boboto ngayong darating na national at local elections (NLE), ito ay ayon sa naproseso ng Comelec-Sorsogon na mga aplikasyon para maging rehistradong botante sa Mayo 9, araw ng eleksyon.

Ang mahigit 500K ay kabuuang bilang mula sa 15 munisipyo, kasama na ang Sorsogon City.

Sa nasabing bilang, 274, 532 dito ang magmumula sa 1st Legislative District habang ang 263, 550 ay magmumula naman sa 2nd Legislative District.

Ang top 5 na may pinakamaraming nairehistro ay ang Sorsogon City na may 111, 702 na botante; sinundan ito ng bayan ng Bulan – 67, 070; Pilar – 46, 491; Gubat – 40, 820 at Irosin – 39, 689.

Mayroon namang kabuuang 494 voting centers sa lalawigan itong darating na eleksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *