Mahigit 55,000 na mga pamilya, apektado ng bagyong Agaton

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na umabot na sa mahigit 55,000 na mga pamilya ang apektado sa pananalasa ng bagyong Agaton sa ilang rehiyon sa bansa.

Ayon kay DSWD Spokeperson Irene Dumlao, humigit 218,000 indibidwal mula sa 184 na mga barangay ang sinalanta ng naturang bagyo.

Sinabi ni Dumlao na agad na mang isinagawa ng kanilang ahensya ang quick response kung saan ipinamahagi ang mga pagkain at ilang pangangailangan sa mga concerned LGUs.

Samantala, nasa P4.2 million na ang augmentation support na naipadala sa Davao del Norte at patuloy naman ang paghahanda sa ihahatid na tulong sa Eastern Samar. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *