Mahigit 72-M Filipinos rehistrado na para sa national ID – PSA

Ibinahagi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mahigit na sa 72 million na mga Pilipino ang nakapagrehistro para sa national ID as of August 26.

Ayon sa PSA, nasa 72,348,546 Filipinos ang nakakompleto na ng kanilang Philippine Identification System (PhilSys) Step 2 Registration, na kinabibilangan ng pagkuha ng biometric information, gaya ng fingerprints, iris, at front-facing photographs.

Dagdag ng PSA na ang naturang bilang ay katumbas sa 78.6% ng 92 million registration target para sa 2022.

Samantala, target naman state statistics bureau na maipamahagi ang 30 million physical cards at 20 million digital IDs sa katapusan ng taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *