Mandatory na pagsusuot face shield hindi pa nakikita ng DOH official

Inihayag ng isang opisyal mula sa Department of Health na hindi pa nila nakikita ang muling paggamit ng face shield kapag lumalabas ng bahay.

Ito ay sa kabila ng banta ng mas nakakahawang COVID-19 variant na Omicron.

Paliwanag ni DOH epidemiology bureau director, Dr. Alethea De Guzman nanatiling mababa ang transmission level ng COVID-19 sa bansa kaya wala pang dahilan para gawing mandatory ang pagsusuot ng face shield.

Dagdag pa ni de Guzman bahala na ang private establishment kung mag-re-require ito ng face shield sa mga papasok na customer.

Magugunitang alinsunod sa IATF guidelines boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng facemasks sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 2.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *