Mangingisda, patay na nang matagpuan sa pangpang sa San Andres, Quezon

Patay na ng matagpuan ang isang mangingisda sa mangrove areas ng Sitio Madangkalan, Barangay Pansoy, San Andres, Quezon nitong Miyerkules, Marso 15.

Kinilala ang biktima na si Marcelo Piga, 62-anyos, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report, bandang alas 6:00 ng umaga noong Marso 14, umalis umano noon ang biktima sakay ng bangkang sibiran subalit hindi na ito nakauwi sa kanilang tahanan.

Kaya naman nang sumunod na araw, nagpasya ang mga kaanak na hanapin ang biktima kung saan unang natagpuan ng mga ito ang bangkang ginamit nito sa baybayin ng nasabing lugar.

Mula sa lugar kung saan natagpuan ang bangka, nagpatuloy sa paghahanap ang mga kaanak at doon na nga nila natagpuan sa mangrove areas ang katawan ng biktima habang nakahandusay.

Kasalukuyan ng isinasailalim sa mga examination ang mga labi ng biktima upang matukoy ang sanhi ng pagpanaw nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *