MANIBELA, nanindigan na wala silang naperwisyo sa kilos-protesta sa QC

Nanindigan si Manibela Chairman Mar Valbuena na isinagawa nila ng mapayapa ang kanilang transport caravan at programa sa Welcome Rotonda sa Quezon City.

Ito ay matapos sampahan ng reklamo ng Quezon City Police District (QCPD) ang ilang miyembro ng MANIBELA kasama si Valbuena.

Ayon kay Valbuena, wala silang pinerwisyo at nasaktan.

Sa katunayan ay tumupad sila sa napagkasunduang oras at kusa silang nag-disperse ng maayos at mapayapa.

Nag-ugat ang kaso dahil lumabag umano ang grupo sa public assembly act, alarm and scandal, resistance and disobedience at direct assault upon a person in authority.

Giit ng QCPD, nagdala ng perwisyo at nakaabala sa mga motorista at mga pasahero ang ikinasang kilos protesta ng grupo nang harangan nila ang Commonwealth Avenue, East Avenue, at Quezon Avenue.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *