Marcos, tiwala na maaabot ng bansa ang rice self-sufficiency status sa loob ng dalawang taon

Tiwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maaabot ng bansa ang rice self-sufficiency na status sa bansa sa loob ng dalawang taon kung magpapatupad ang gobyerno na malawakang reorganization sa iba’t ibang ahensya.

Pahayag ito ng Pangulo matapos ang kanyang pakikipagpulong sa mga opisyal ng Department of Agriculture  at National Irrigation Administration sa Malacañang, kung saan kanilang ipinaalam sa Pangulo ang lagay ng sistema ng irigasyon sa bansa.

Sinabi pa ng Pangulo na na nangangailangan ito ng kooperasyon, convergence, at koordinasyon sa iba pang ahensya tulad ng DA, NIA, Department of Public Works and Highways at National Economic and Development Authority (NEDA).

Base sa datos ng ng Philippine Statistics Authority., bumaba sa 81.5 percent ang rice self-sufficiency level ng bansa noong 2021 mula sa 85 percent noong 2020.

Noong nakaraang taon, bahagyang bumaba ang produksyon ng palay ng bansa sa 19.756 million metric tons mula sa record high output na 19.96 million metric tons noong 2021.

Ang programang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ay nilikha sa ilalim ng Republic Act 11203 o ang Rice Tariffication Law upang mapabuti ang competitiveness ng mga magsasaka sa gitna ng liberalisasyon ng rice trade policy.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *