Masbate City LGU, bumuo ng pangkat na magsasagawa ng RDANA ng lahat ng apektadong gusali at imprastraktura

Bilang tugon sa magnitude 6.0 na lindol na tumama sa Masbate kahapon ng umaga Pebrero 16, inatasan ni Masbate City Mayor Socrates Tuason ang CDRRMO na pangasiwaan ang komprehensibong pagsusuri sa lahat ng mga gusali at imprastraktura na maaaring nasira.

Bunsod nito, sa layuning ito, ang tanggapan ng CDRRM sa pamumuno ni G. Isaias F. Bigol Jr. ay nagpatawag ng planning meeting kasama ang BFP Masbate City, City Engineering Office, DILG, at iba pang katuwang na ahensya upang bumuo ng isang pangkat na m,agsasagawa ng RDANA o Rapid damage Assessment and Need Analysis ng lahat ng apektadong gusali at imprastraktura.

Kahapon ay nakabuo agad ng dalawang koponan at nagpapatuloy ngayong araw ang pag-assess at pagtukoy sa mga gusali at imprastraktura na naapektuhan.

Una nang naiulat ang mga bitak at pinsala sa Magallanes Coliseum gayundin ang mga bitak sa Masbate Provl Hospital dahilan para pansamantalang inilikas ang mga pasyente dito at mananatili muna sa limang tent na inilagay sa labas ng ospital.

Nagpaalala naman ang Phivolcs sa mga aftershocks at pinsala bunsod ng magkasunod na pagyanig.

Ayon sa nasabing ahensya, matapos ang magnitude 6 na tumama sa bayan ng Batuan kahapon, nakapagtala sila ng kabuuang 98 pagyanig, 36 na plotted e-quakes qt 13 felt e-quake na may magnitude na 1.6 hanggang 4.2.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *