Mataas na presyo ng petrolyo at matumal na pasada, problema ng mga PUV at jeep driver sa Cauayan City

Umaaray ngayon ang mga drayber ng Jeep at PUV sa lunsod ng Cauayan sa taas ng presyo ng produktong petrolyo at matumal na kita dahi sa kawalan ng pasahero kada araw.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay G. Alfredo Pagulayan, isang drayber ng Jeep biyaheng Cauayan City-Roxas Isabela, sa isang araw ay isang beses na lamang ang kanilang biyahe kung saan nasa 10 pasahero lamang ang kanilang naisasakay.

Aniya, ang pamasahe papuntang Roxas ay 70 pesos habang 50 pesos naman sa Aurora at Cabatuan ngunit minsan aniya kung hindi pa puno ang jeep ay binabayaran na lamang ng mga pasahero ang kulang upang makabiyahe na.

Dagdag pa niya, sa isang araw ay maswerte na kung kikita sila ng 1,000 pesos at mula rito ay 200-300 pesos lamang ang napupunta sa pambili ng kanilang pangangailangan kada araw.

Halos pang-gasolina na lamang umano ang kanilang kinikita.

Samantala, ayon naman kay G. Rodrigo Mendoza, nagpapatuloy pa rin ang mga patakaran sa SM Terminal kung saan kinakailangan pa rin ng barrier sa loob ng sasakyan bilang pagsunod sa health protocols.

Ang jeep ay nasa 13 passengers lamang ang maximum na maaaring isakay, kalahati naman sa seating capacity n sa mga bus habang 9 na pasahero lamang sa mga van.

Hinahanapan naman ang mga pasahero na pupunta ng Santiago ng isang Valid ID habang sa mga magtutungo ng Ilagan ay kailangang may S-pass, health declaration, travel pass at valid ID habang sa APOR naman ay Spass, COE at company ID.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *