Mataas na recoveries sa COVID-19 naiulat ngayong araw sa Bicol; kabuuang bilang ng mga gumaling sumampa na sa mahigit 17K

BICOL—Pumalo na sa 17, 123 ang total recoveries sa COVID-19 sa Bicol region matapos na makapagtala ng mataas na panibagong bilang ng mga gumaling na umabot sa 356.

125 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, 113 sa Camarines Sur, 50 sa Camarines Norte, 30 sa Albay, tig-14 ang Sorsogon at Naga City at sampo sa lalawigan ng Masbate.

Samantala, 86 na panibagong kaso ang nadagdag kung kaya sumampa na sa 20,879 ang total cases ng sakit sa Bicol region mula nang magsimula ang pandemya.

Pinakamaraming bagong kaso ang naitala sa Camarines Sur na nasa 28 kung saan 14 nito ay mula sa Naga City, tigtatlo ang bayan ng Nabua at San Jose, dalawa sa bayan ng Gainza at tig-iisa ang mga bayan ng Buhi, Camaligan, Canaman, Minalabac, Pili at lungsod ng Iriga.

17 bagong kaso ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan tig-apat ang bayan ng Daet at Jose Panganiban, tigtatlo ang Paracale at Sta. Elena, dalawa sa bayan ng Labo at isa sa bayan ng Vinzons.

16 ang nadagdag sa Catanduanes kung sana lima nito ay mula sa bayan ng Virac, tig-apat ang bayan ng Bagamanoc at Panganiban at tig-iisa ang mga bayan ng Caramoran, San Andres at Viga.

13 kaso ang naitala sa Albay kung saan 11 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi at tig-isa ang lungsod ng Ligao at bayan ng Tiwi.

Sampong bagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Sorsogon kung saan lima nito ay mula sa Sorsogon City, tatlo sa bayan ng Castilla at tig-isa ang bayan ng Barcelona at Donsol.

Dalawa ang nagpositibo na mula sa labas ng rehiyon habang zero new case ang lalawigan ng Masbate.

Mayroon namang limang panibagong kaso ng pagkasawi na na nadagdag na pawang mula sa lungsod ng Legazpi kung kaya pumalo na sa 792 ang death toll ng COVID-19 sa Bicol.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.### || SLM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *