Matagal na paghihintay sa resulta ng swab test, nirereklamo

SORSOGON CITY – Nagrereklamo ang ilang ciudadanos dahil sa mabagal na pagbalik ng resulta ng kanilang swab test.

Sa pahayag sa Brigada News FM-Sorsogon ng isang empleyado na sumailalim sa nasabing test, naantala umano ang kanyang pagbabalik sa trabaho dahil halos isang linggo na ang lumipas bago dumating ang resulta, ito din ang nangyari sa isang empleyado ng isang pribadong opisina sa lungsod ng Sorsogon.

Aniya pa, malaking oras na ang kinain ng paghihintay sa kanilang bakasyon, imbes na makapasok na sila sa kani-kanilang trabaho.

Dagdag pa dito ang pangamba, kung ang resulta ba ay positibo o negatibo dahil ang alam umano nila ay hanggang dalawa o tatlong araw lamang ang labas ng resulta.

Ayon pa sa isang source ng Brigada News, sa tagal ng kanyang resulta, ay bumalik na ito sa trabaho dahil wala naman umano siyang naramdaman na kahit isang sintomas ng coronavirus. Sa kasamaang palad umano, hanggang sa ngayon ay hindi pa bumabalik sa kanya ang resulta ng kanyang swab test. Pinalagay na lang nito sa kanyang sarili na siguro ay negatibo ang kanyang resulta, dahil kung siya ay positibo sa Covid-19 ay tiyak na naiparating agad ito sa kanya.

Panawagan ngayon ng mga ito na sana ay bilisan ng DOH ang pagpapalabas ng resulta para iwas abala sa kanilang trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *