Mayor Gerandy Danao, ayaw daw ng Coal Plant sa Narra

Nilinaw ni Narra Mayor Gerandy Danao na tutol siya na magkaroon ng Coal Plant sa bayan ng Narra sa kabila ng madalas na brownout sa munisipyo.

Sa panayam ng Brigada, sinabi ng alkalde na ayaw niyang magkaroon ng planta na tulad nito sa bayan dahil marami ang tumututol.

Dagda pa niya, kabilang siya sa mahigit 47, 000 na mga residenteng pumirma upang magpahayag ng pagtutol sa Coal Plant na ang dating administrasyon di umano ang nagsulong.

Gayunpaman, ipinauubaya ni Danao sa pamunuan ng PALECO ang pagbuo ng programa para matugunan ang matagal ng nararanasang brownout sa Palawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *