Mayweather magkakaroon ng exhibition bout sa Hunyo

Magkakaroon ng exhibition bout sa darating na Hunyo ang dating world boxing champion na si Floyd Mayweather

Makakalaban niya ang apo ng kilalang former crime boss sa New York na si John Gotti III.

Nagretiro si Mayweather sa boxing noong 2017 na walang talo sa 50 laban.

Ang 30-taong-gulang na si Gotti ay may 5-1 na record sa mga laban niya sa MMA. Lumipat sa boxing si Gotti na may 2-0 record.

Kaibigan ni Mayweather ang ama ni Gotti na si John at sinabing dalawang taon niya nang sinusubukang mag set-up ng laban sa dating MMA fighter.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *