Megan Young, sinisi ng fans ni Miss Botswana sa Miss World

Binatikos ng mga taga-suporta ng Miss World candidate at official representative ng Botswana na si Lesego Chombo ang Filipina beauty queen na si Megan Young.

Bilang dating Miss World winner, siya kasi ang nag-host ng nasabing pageant ngayong taon kung saan nagkaroon sila ng interaction ni Miss Botswana.

Nang mabigong masungkit ni Chombo ang korona, sinisi si Megan ng fans dahil sa paggalaw nito ng buhok ng kandidata.

Agad namang humingi ng tawad is Megan at ina-acknowledge ang kanyang gesture na inilarawan ng mga fans na “culurally unacceptable.”

Personal rin siyang nag-sorry kay Chombo matapos ang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *