‘Mental health awareness’ naging sentro ng talakayan sa isinagawang symposium ng PNP-Virac sa Catanduanes

BNFM BICOL— Nagsagawa ng symposium ang pamunuan ng Virac Municipal Police Station sa lalawigan ng Catanduanes nitong nakaraang araw na dinaluhan ng nasa mahigit 70 kabataan mula sa ibat-ibang mga barangay ng nasabing bayan.

Sumentro ang talakayan sa Mental Health Awareness na may temang “Take a Minute, Change a Life” kung saan binigyang pansin ang mga usapin hinggil sa kalusugang pangkaisipan partikular ang mga bagay na nagiging sanhi ng depresyon, anxieties at iba pa, na kapag hindi nalabanan ay nagre-resulta sa kamatayan.

Ayon sa PNP, layunin ng nasabing aktibidad ang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataan hinggil sa importansya ng ‘mental health’ lalo na at ang mga ito ang ‘vulnerable’ sa pagkakaroon ng mental health problems.

Kaugnay nito, nagpahayag naman ng pasasalamat ang PNP-Virac sa limang mga barangay na nakiisa sa naturang symposium, partikular ang Brgy. Marilima; Batag; Casoocan; Magnesia Del Norte at Magnesia Del Sur.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *