Metro Manila, Laguna, at Bataan, isasailalim sa MECQ

Nagdesisyon ang COVID-19 interagency Task Force (IATF) na ipatupad ang Modified Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila at Laguna simula August 21-31, 2021.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malalagay rin ang Bataan sa parehong quarantine classification mula August 23-31.

Ipinunto ni Roque na sa ilalim ng MECQ ay mahigpit na ipatutupad ang granular lockdowns.

Ipagbabawal din ang indoor, at al fresco dine-in services at personal care services tulad ng beauty salons, beauty parlors, barbershops at nail spas.

Mababatid na ngayon na ang huling araw ng ECQ sa Metro Manila na pinakaistriktong quarantine measure na ipinatupad sa loob ng dalawang linggo.

Matatandaan na idineklara ang ECQ sa gitna ng pagsipa ng mga bagong kaso, na pinaniniwalaang naimpluwensyahan ng mas nakakahawang Delta variant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *