Mga Benepisaryo ng BP2 sa Roxas Isabela, natanggap na ang livelihood assistance

Natanggap na ng mga benepisaryo ng Balik Probinsya Bagong Pag-asa program mula sa Roxas, Isabela ang kanilang livelihood assistance na galing sa Department of Agriculture Regional Field Office 2.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, una rito ay napiling principal beneficiary si G. Rogelio Dela Cruz, 41 anyos at residente ng Matusalem Roxas Isabela na umuwi sa probinsya noong April 2021.

Sa ilalim ng BP2 livelihood program ng DA RFO2, natanggap nito ang 30 na piraso ng manok, 30 meters chicken net,7 in 1 Assorted Vegetable Seeds ,9 in 1 Assorted Vegetable Seeds, Seedling Tray, Assorted Vegetable Seedling, Commercial Feeds, Organic Fertilizer at 30 na piraso ng Polyethylene Bag na nagkakahalaga ng P20,755.00.

Itinalaga rin si G. Rogelio Dela Cruz bilang Chairman ng BP2 Matusalem Association kung saan pinasalamatan nito ang DA RFO2, LGU Roxas at PGI sa ibinigay na pangkabuhayan sa kaniyang pamilya at napiling benepisaryo na residente sa kanilang barangay.

Ipinangako rin niya ang regular na pagmonitor sa mga ibinigay na tulong pangkabuhayan ng ahensya.

Kaugnay dito, nakatanggap din ang napiling 32 na benepisaryo ng 9 in 1 assorted vegetable seeds at seedling trays na nagkakahalaga ng 50, 400 pesos.

Namigay din ang PLGU Isabela ng 40 trays seedlings ng talong at kamatis.

Sa ngayon ay nasa proseso na ang registration ng Articles of Incorporation ng BP2 Matusalem Association sa DOLE sa tulong ng Institutional Development Unit ng DA-RFO 2.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *