Mga botante sa So.Cot, posibleng umabot sa mahigit 600,000

KORONADAL CITY- POSIBLENG umabot pa sa mahigit 600,000 ang mga registered voters sa lalawigan ng South Cotabato dahil sa pagpapalawig ng voters registration hanggang sa October 30.

Ayon kay provincial election supervisor Atty. Jay Gerada na batay sa pinakahuling Election Registration Board (ERB) hearing, nasa 570,000 na ang mga botante sa 10 mga bayan at isang lungsod sa probinsya.

Hindi pa kabilang dito ang mga nagparehistro noong buwan ng Hulyo hanggang Setyembre at ang magpaparehistro pa simula sa October 11.

Bukas ang mga city at mga municipal Comelec offices mula Lunes hanggang Biyernes lamang, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Ngunit bukas ito kahit Sabado sa October 30, na siyang huling araw ng registration.

Umapela naman si Gerada sa mga gustong bomoto sa darating na May 9, 2022 elections na huwag ng hintayin pa ang huling araw ng pagpapatala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *