Mga depektibong Philsys ID tulad ng kupas o nababaklas na, puwedeng ibalik upang mapalitan – PSA Sorsogon

‘’ Maaari po nilang ibalik sa amin,’’ pahayag ito ni Philippine Statistics Authority (PSA) Sorsogon head Elvira Apogñol sa harap ng reklamo ng iilan kaugnay sa hindi na umano magandang kalidad ng kanilang mga natanggap na Philsys ID.

Ayon sa opisyal maaaring dalhin sa kanilang tanggapan ang mga depektibong ID upang kanila itong maireport sa PSA Central Office gayundin sa Bangko Sentral ng Pilipinas na siyang nangangasiwa sa paggawa ng mga ito.

Aniya, maaari din kasi itong mapalitan kung talagang mayroong sapat na basehan upang ito ay palitan.

Paalala lamang nito na ang pagpalit ng nasabing ID ay hindi madali kung kaya posibleng matagalan din bago ito muling maibalik sa may-ari.

Mababatid na kabilang sa mga inirereklamo ay ang kupas nang larawan sa ID, nababaklas o natutuklap na. Una rito binanggit ng opisyal na ang mga kahalintuad na insidente ay hindi rin maiiwasan lalo pa at napakaraming ID ang ginagawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *