Mga essential workers sa Olongapo, uumpisahan nang bakunahan kontra covid-19

Uumpisahan nang bakunahan kontra corona virus disease ang mga kabilang sa A4 priority group sa Olongapo.

Ito ay kapag may marami-raming suplay ng bakuna ang dumating sa susunod na linggo.

Ayon kay City Health Officer Dr. Doods Bustamante, malapit nang maabot ang target na mabakunahan ang 70% total population ng mga senior citizen sa lungsod kaya maari nang isunod kaagad ang mga essential workers.

Matatandaan na dahil sa limitadong suplay ng mga bakunang dumarating sa lungsod kaya natagalan din ang dapat sana ay pagbabakuna sa mga nakatatanda at mga persons with comorbidities.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Olongapo City Information Center

May be an image of food and text that says 'CuraMed Health Benefits of Garlic √ Control your blood pressure Reduces weight √ Regulates your Cholesterol level controls ols diabetes Shop now! Lazada t'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *