Umaapela ang mga jeepney driver sa City Government ng San Fernando na alisin na ang ibinibigay na libreng sakay sa mga commuter, dahil apektado raw ang kanilang byahe.
Ayon kay Jun Jimenez isang jeepney driver, malaki raw ang epekto sa kanila ng pag suspendi ng face-to-face class na sinabayan pa ng pagbibigay ng mga LGU ng libreng sakay.
Kaya sana raw ikonsidera ng LGU ang kanilang panawagan, lalo na’t hindi naman sila sumama sa isang linggong nationwide transport strike.
Samantala, ganito rin ang hinaing iba pang jeepney driver sa buong lalawigan ng Pampanga.
