Mga kanta ni Taylor Swift, kabilang na sa mga subjects na pwedeng pag-aralan sa University of Texas and Austin

INANUNSYO ng pamunuan ng University of Texas and Austin na kabilang na ngayon sa mga pwedeng pag-aralan bilang subject ng kanilang mga estudyante ang mga kanta ng singer-song writer na si Taylor Swift.

Ayon sa UTA, magkakaroon na sila ng elective subject na tatawaging “The Taylor Swift Songbook” kung saan magiging sentro ng pag-aaral hinggil dito ang literary critical reading at research method-basic skills.

Sa pamamagitan ng mga kanta ni Taylor Swift, ilan rin sa mga magiging focus ng pag-aaral ang theoretical issues at poetic form style na nakapaloob sa mga lyrics ng kanta ng award-winning singer-song writer sa ilalim ng kanyang mga greatest hit albums na RED, LOVER, FOLKLORE at EVERMORE.

Samantala, sinabi naman ng pamuan ng UTA na mabilis na napuno ang slots ng mga estudyanteng interesadong pag-aralan ang mga kanta ni Taylor kung kaya’t inabisuhan nito ang mga hindi nakahabol na susunod na sem na lamang mag-enroll.### JDR, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *