Mga lalabas at papasok sa mga baranggay sa Masinloc kailangan mag-log in at log out

Inumpisahan na ng Masinloc, Zambales ang paghihigpit nito sa mga pumapasok at lumalabas sa mga barangay kahapon, araw ng Linggo.

Mayroong mga barangay checkpoint kung saan lahat ng mga lumalabas at pumapasok kasama ang mga Authorized Person Outside Residence sa mga barangay ay kailangan maglog-in at logout.

Ito ay upang mapigilan ang paggalaw ng mga tao at mapababa ang patuloy na tumataas na kaso ng covid-19 sa lugar.

Kinukuhanan na din ng mga impormasyon kung saan ito tutungo, pagpapakita ng medical certificate at travel pass kung nagtatrabaho sa ibang bayan.

Ang pamamaraan ay upaang mapabilis din ang contact tracing kung sakaling may magpopositibo sa pinuntahanng mga galing sa labas ng bayan.

Ang hakbang na ito ng pamahalaan ay alinsunod naman sa kautusan ng gobernador ng lalawigan na pag-ibayuhin at paigtingin ang paghihigpit sa mga nasasakupan upang di na dumami pa ang nagkakasakit ng covid.//Russell Banawa-BNFM IBA

May be an image of text that says 'Available at mercury drug nercury ACING BAGO di Power Cells CAPSULE HERBAL mercury drug Power Cells HERBALCASULE HERBAL Tuldukan ang Sakit! Û. www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *