Mga magsasaka sa Bicol huwag iaasa ang paggamit ng inorganic fertilizers; programang abono swak ng DA mas makakabuti

LEGAZPI CITY – Hindi bababa sa walong magsasaka ng palay na kabilang sa Rangas Agricultural Cooperative ang unang tatanggap ng certified rice seeds, 10 bags ng organic fertilizer kada ektarya, dalawang bag ng urea kada ektarya, at iba pang farm inputs bilang bahagi ng Department of Agriculture-Bicol’s (DA) Bicol sa tuling ng Abonong Swak” program.

Ayon kay Emily Bordado, tagapagsalita ng nasabing tanggapan, huwag iaasa ang paggamit ng inorganic fertilizers na inaangkat, kaya napakamahal at kakaunti sa panahon ngayon.

Sa pamamagitan ng pagsunod sa Abonong Swak combos, makakatipid ang mga magsasaka PHP2,000 – PHP4,000 kada ektarya.

Ang mga benepisyaryo ay magiging bahagi ng techno demo na naglalayong isulong ang balanseng pagpapabunga na pinagsasama ang mga organic at inorganic fertilizers.

Sinabi niya na ang programa ay binuo ng PhilRice at ng DA na nagtataguyod ng tatlong prinsipyo.

Una ang pag-iingat ng mga sustansya sa lupa sa pamamagitan ng paggamit ng pinagsamang organic at inorganic na pataba, pagtitipid sa mga input ng sakahan at pagkakaroon ng mataas na ani.

Tatlong opsyon batay sa yield target ang ipinakita sa ilalim ng Abonong Swak – Combo 1 na maaaring magbigay sa mga magsasaka ng 3,000-4,000 kg. bawat ektarya na target na ani ng palay; Combo 2 na nag-aalok ng 5,000 – 6,000 kg. ani kada ektarya; at Combo 3, na makapagbibigay sa mga magsasaka ng 7,000 – 8,000 kg. kada ektarya na target na ani.

Ang lahat ng mga combo ay nangangailangan ng pagkakalat o scattering ng hindi bababa sa 3,000 hanggang 8,000 kg. rice straws sa bukirin upang mabulok sa loob ng 30 araw, sa pamamagitan ng paglalagay ng 10 sako ng dumi ng manok, organic fertilizer, o vermicompost 14 na araw bago itanim.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *