Mga magulang hinikayat na pabakunahan ang mga anak laban sa polio at tigdas

NAGA CITY – Pormal nang binuksan kahapon sa Naga City ang Measles Rubella – Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA) 2023 ng Department of Health Camarines Sur at ng Lokal na Pamahalaan ng Naga.

Kung saan mahigit 30 mga bata ang nabigyan at naturukan laban sa nabangit na mga sakit na ginagawa sa isang mall sa lungsod na dinaluhan ng mga Barangay Health Worker ng Lerma, Triangulo, Dayangdang, Tinago sabay ng iba pang barangay sa kani-kanilang Barangay Health Center.

Una nang sinabi ng DOH Bicol na nakukuha ang sakit na polio dahil sa mga pagkain kung saan tatamaan ang spinal cord at unti-unting hindi nakakagalaw, kaya kailangang panatilihin ang kalinisan, ang tipdas ay nakakahawang sakit na maaaring magdulot ng pneumonia, nagkakaroon ng pantal-pantal at namumula rin ang mga mata, ang rubella o tigdas hangin naman na halos pareho sa tigdas ay nakukuha sa laway o ubo, na mapanganib para sa mga buntis dahil maaaring makunan.

Binigyan diin naman ni DOH Cam. Sur, Dr. Rey Millena, ito ay malaking hamon para sa Naga at sa iba pa, 4 sa 10 na mga bata ang hindi pa fully immunized at mataas ang tyansa sa sakit. Magkakatuwang na nanawagan ang LGU at DOH na pabakunahan ang mga bata

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *