Mga may QR Codes ipaprayoridad ng LGU Legazpi na mabakunahan

LEGAZPI CITY – Inihayag ni Mayor Noel Rosal ng Legazpi sa Bicol Region ay isa ang lungsod sa pinakamarami ng nababakunahan na priority group kontra sa covid 19.

Ayon kay Rosal, ipaprayoridad muna ng city lgu ang pagbabakuna sa priority group kung ito ay nakarehistro sa QR Code.

Aniya, sa oras na dumating ang bakuna ay ibibigay muna ng Lokal na Gobyerno para sa mga nakalista na sa QR Code.

Aabot na kasi sa 18K na tao ang nakarehistro sa QR code ng lungsod kung kayat kailangan ng iprayoridad muna ng mga ito sa pagbabakuna.

Inaasahan ngayon linggo ay mayroong parating na 5K bakuna sa lungsod.

Dahil dito magsasagawa muli ang City Health office ng pagbabakuna para sa A1 expanded hanggang A4 priority group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *