Mga nabakunahan kontra COVID-19 sa probinsya ng Catanduanes, nasa 33% na

BICOL—Inihayag ng Catanduanes Provincial Health Office na nasa 33% na ng target population sa nasabing probinsya ang nabakunahan kontra COVID-19.

Sa inilabas na datus ng PHO, nasa kabuuang 26,049 na bilang ng mga populasyon sa isla ang kanilang target na mabigyan ng bakuna kung saan 8,592 mula dito ang nakatanggap na ng kanilang unang dose habang 4,479 naman ang fully vaccinated na.

Ayon sa PHO, tumataas ang vaccination rate sa islang lalawigan dahil sa nagpapatuloy na roll out ng vaccination program ng pamahalaan.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagbabakuna para sa mga nasa A1 hanggang A3 priority target list o ang mga health workers, senior citizens at mga may comorbidities habang nasimulan na rin ang masterlisting para naman sa mga residenteng kabilang sa A4 category.

Asahan aniya na patuloy pa ang pagtaas ng vaccination rate sa lalawigan lalo na at muling nakatanggap ng karagdagang 3,920 doses ng bakuna ang Catanduanes mula sa Department of Health.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *