Mga nagwagi sa 2021 Bicol Regional Skills Competition ng TESDA, pinarangalan kahapon

BICOL – MATAGUMPAY na naisagawa kahapon ang closing at awarding ceremonies ng 2021 Bicol Regional Skills Competition na ikinasa ng TESDA sa rehiyon.

Mababatid na umarangkada ang 3-day skills competition simula noong Nobyembre 26 na ginanap sa Camarines Sur Polytechnic College Auditorium sa bayan ng Nabua.

Ayon kay TESDA Bicol Regional Director Elmer Talavera, kumpleto ang mga delegado mula sa anim na probinsya sa Kabikulan na lumahok sa BRSC upang magtagisan ng galing sa ibat ibang skills category.

Nagmula umano ang 30 kalahok sa iba’t ibang TESDA Technology Institutions, Higher Education Institutions, mga state universities at colleges na nagpagalingan sa ibat ibang mga trade areas tulad ng Welding, Cooking, Restaurants service, Fashion technology, Electronics, Hairdressing, Baking, Electrical installation, Ref and air conditioning, IT software solution for Business, IT Network system Administration at Information network Cabling.

Kasama rin sa naturang event ang demonstration categroy para sa Fish Deboning kung saan ang naging kalahok naman ay ang mismong mga TESDA personnel, Indigenous Peoples at mga miyembro ng PNP.

Bukod sa sertipiko at trophy, tumanggap din ng cash prize ang mga bronze, silver at gold medallist.

Samantala, ang mga itinanghal na kampeon ay sasabak at magiging kinatawan ng rehiyon para sa National Skills Competition na gaganapin naman sa darating na December 13- 19,2021 sa TESDA Central office sa Taguig City, Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *