Sen. Go inanunsiyo ang pag-atras sa 2022 Presidential Elections

Inanunsiyo ni Senador Christopher Bong Go ang tuluyang pag-atras nito sa 2022 Presidential Elections.

Sa isang ambush interview sa San Juan matapos dumalo sa komemorasyon sa ika-158 kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio, sinabi ni Go na nitong nakalipas na tila hindi magkasundo ang kanyang puso at isip.

Sinabi nitong talagang nagre-resist o lumalaban ang kanyang katawan puso at isipan sa kanyang pagtakbo sa pagkapangulo.

Dagdag pa nito na tao lang din siya na nasasaktan at napapagod din.

Muling inihayag ni Go na ayaw niyang maipit pa lalo si Pangulong Duterte dahil mas higit pa sa tatay ang pagmamahal niya dito.

Marahil ayon kay Go ay hindi pa niya panahon.

“In the past few days, I realized in my heart and my mind are contradicting my actions. Talagang nagre-resist po ang aking katawan, puso, at isipan. Tao lang po ako, nasasaktan at napapagod din,” pahayag ni Go.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *