Kaso ng pang aabuso sa mga kabataan sa bayan ng Mercedes tumaas ngayong taon, ilang kabataan naman nasangkot sa mga kaso tulad ng tangkang pagpatay at pangagahasa

CAMARINES NORTE- Tumaas ang mga kaso ng pang- aabuso sa mga kabataan sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte nitong 2022 kumpara noong nakaraang taon.

Ito ang inihayag ni Mayor Alexander Pajarillo sa kaniyang  Local State of Children’s report for 2022 kaninang umaga  na ginanap sa Municipal Ground kaugnay sa pagdiriwang ng National Children’s Month.

Batay sa iprinesentang datos ni Pajarillo mula sa PNP Women and Children Protection Desk (WCPD), aabot sa 18 insidente ng violence against children ang naidokumento nitong taon.

Sa bilang na ito, pito ang kaso ng pangagahasa sa mga bata, pito ring acts of lasciviousness, tatlong paglabag sa anti child abuse law at isa sa safe space act.

Labing apat sa mga ito ay regular filing habang apat naman ang naisampa sa pamamagitan ng inquest proceedings.

Bagamat nakakabahala  umano ang pagtaas ng mga kasong may kinalaman sa pang- aabuso sa mga kabataan sa kaniyang nasasakupan siniguro ni Pajarillo na nananatili itong kontrolado.

Sa katunayan ilang wanted person na may kaugnayan sa violence against children ang naaresto.

Sa kabilang dako, ilang kabataan naman ang nasangkot sa krimen tulad ng attempted murder at rape.

Dalawa sa mga ito ay kasalukuyang sumasailalim sa diversion program ng Municipal Social Welfare and Development (MSWDO).

Tiniyak naman ng Alkalde na mayroong mga ginagawang hakbang ang iba’t- ibang ahensiya ng gobyerno para masiguro ang proteksyon ng mga kabataan.

“The LGU, MSWDO, PNP and other partner agency continuously joint effort to safeguard that children in need of special protection, we also an active Local Council for Protection of Children, LCPC which help us in policy making and monitoring, thus giving our over- all plans for our youth a clear direction with participation from private sector as well as a body that will assure that  projects lined- up were being implemented,” pahayag ng Alkalde.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *