Mga prayoridad ni bagong DSWD Sec Gatchalian, alamin

Nanindigan ang bagong Kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si Rex Gatchalian na hindi bayad-utang ang dahilan ng kaniyang appointment.

Ito ay makaraaang mabatikos si Gatchalian na kaya raw siya nabigyan ng puwesto sa Gabinete ay dahil sumpirta siya sa kandidatura ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa isang panayam, sinabi ng bagong DSWD Secretary na posibleng nakita umano ng Pangulo angkaniyang credentials bilang isang LGU chief at mambabatas.

Umapela naman siya sa publiko at mga kritiko na bigyan na mabigyan na muna ng pagkakataon para mapatunayan ang kaniyang sarili.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Gatchalian na ‘business as usual’ pa rin ang takbo sa unang distrito ng Valenzuela City kung saan siya ay kasalukuyang congressman.

Aniya, walang dapat ipag-alala ang mga constituents niya sa Lungsod dahil magtutuluy-tuloy pa rin ang public services dito.

Hinihintay na lang din umano ang opisyal na desisyon kung sino ang magsisilbing ‘caretaker’ para sa congressional seat na binakante ni Gatchalian.

COMELEC, kinumpirmang magkakaroon ng special elections para sa congressional seat na binakante ni Gatchalian

Pinababakante na ang puwesto ni Rep. Gatchalian matapos itong italaga bilang Kalihim ng DSWD.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) chairperson George Garcia, kailangang magsumite ng ‘declaration of vacancy’ ng House of Representatives.

Sa ganitong paraan, magkakaroon ng special election para sa binakanteng pwuesto ni Gatchalian bilang Kinatawan ng Valenzuela City 7th District.

Sa ngayon, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na magtatalaga na muna sila ng pansamantalang caretaker.

Maari umano itong manggaling sa partido ni Gatchalian na Nationalist People’s Coalition (NPC).

Naniniwala naman si Romualdez na ang kawalan ni Gatchalian sa Kamara ay isa namang ‘gain’ para sa DSWD.

Kung maaalala, ito na ang ikalawang beses na humugot ang Pangulo ng isang kongresista para italaga sa Gabinete kasunod ni Justice Secretary Boying Remulla na nagsisilbing Representative ng 7th District sa Cavite.

Pagsasaayos ng listahan ng mga DSWD beneficiaries – una sa mga prayoridad ni Gatchalian

Pagsasaayos ng listahan ng mga benepisyaryo, una sa mga prayoridad na gawin ng bagong kalihim ng DSWD na si Gatchalian

Una sa ipaprayoridad ang pagsasaayos ng listahan ng mag benepesyaryo ng ahensya.

Ayon kay Gatchalian, prayoridad nila na ayusin at siguraduhing tama ang mga nasa listahan.

Dagdag pa nito, kailangang simulan ang trabaho sa natirang listahan dahil marami ito gaya ng listahan mula sa PSA, mula sa NEDA, at may listahan din mismo mula sa kanilang ahensya.

Paglilinaw niya, may hawak na data ang DWSD ngunit kailangang may taong mag-aanalisa kung ano ba talaga at sino ba talaga ang hinahabol nila.

Samantala, sinabi ni Gatchalian na may talento at puso ang mga nasa DSWD at aniya, hanggat handang madumihan ang kamay ng mga nasa ahensya, asahan nila ang pakikipagtrabaho nito.

Bypassed former secretary Erwin Tulfo, suportado ang appointment ni Gatchalian bilang kaniyang kapalit sa DSWD

Naniniwala si dating DSWD)secretary Erwin Tulfo na nasa magandang kamay ang Kagawaran kasunod ng pagkakatalaga kay Gatchalian.

Aniya, ‘right choice’ ang ginawa ni Pangulong Bongbong Marcos na italaga si Gatchalian bilang kaniyang kapalit.

Kumpiyansa rin umano siya na magiging maayos ang mga social services lalo na sa mga panahon ng kalamidad dahil personal na rin niyang nakatrabaho si Gatchalian.

Kung maaalala, otomatiko nang na-bypass si Tulfo bilang kalihim ng DSWD.

Ito ay makaraang maungkat sa pagdinig ng makapangyarihang Commission on Appointments ang isyu ng kaniyang US citizenship at ang ilang convictions para sa kasong libel.

Iba’t ibang mga Senador, naniniwalaang mapamumunuan ni Gatchalian nang maayos ang DSWD

Wi-nelcome ng iba’t ibang mga mambabatas ang appointment ni Gatchalian bilang bagong DSWD Secretary.

Sa isang pahayag, nagpaabot ng pagbati ang kanyang kapatid na si Senador Win Gatchalian.

Aniya, nahubog daw ang bagong secretary sa pagiging isang pbulic servant nang humarap ito sa mga pagsubok ng pandemic.

Naniiwala rin si Public Services panel chairperson Senadora Grace Poe na nasa mabuting kamay ang DSWD lalo na’t personal niya raw itong nakatrabaho.

Para naman kay Senadora Nancy Binay, isang ‘plus factor’ ang pagiging pamilyar ni Gatchalian sa mga pagtugon sa social welfare services lalo na sa disadvantaged sectors.

Sumuporta rin si Senate President Pro Tempore Loren Legarda sa bagong Kalihim dahil naging spokesperson niya na raw ito noon.

Bilang sanay raw sa mga galawan sa LGUs – alam na raw ni Gatchalian kung papaano makipag-usap sa iba’t ibang uri ng tao.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *